TRADER TODAS SA AMBUSH SA BATANGAS

BATANGAS – Patay ang isang negosyanteng Tsinoy matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek sa bayan ng Ibaan sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ni Police Senior Master Sergeant Ryan Pagcaliwanggan ng Ibaan Police, ang biktimang si Peter Co, 49, may-ari ng Society Glass Company at residente sa Barangay Bolbok, Batangas City.

Ayon sa report, nasa project construction site sa Barangay Coliat si Co nang biglang may dumating na isang lalaking nakamotorsiklo at siya ay pinagbabaril bandang alas-3:20 ng hapon

Dead on the spot si Co dahil sa mga tama ng bala ng baril sa kanyang katawan.

Hindi naman nakilala ang suspek na nakasuot ng itim na jacket at itim na full face helmet.

Inaalam pa ng mga pulis ang posibleng motibo at kung sino ang nasa likod ng krimen. (NILOU DEL CARMEN)

259

Related posts

Leave a Comment