(CHRISTIAN DALE)
MAAGANG nakatanggap ng pamasko ang 600 na mga bata mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malakanyang.
May temang “Balik Sigla, Bigay Saya,” pinangunahan ni Pangulong Marcos ang nationwide gift-giving activity sa Kalayaan Grounds sa Malacañan Palace.
Kasama ng Pangulo ang asawa na si Unang Ginang Louise Araneta-Marcos.
Naging pambungad sa talumpati ng Pangulo ang pagbati niya ng “Merry Christmas” sa mga bata.
Ang nasabing event, ani Pangulong Marcos ay isinagawa upang matiyak na ang bawat kabataan ay makararanas ng “yuletide celebration.”
“Napakasaya talaga at hindi kumpleto ang kahit anong Pasko kung hindi natin nakikita ang ngiti at tuwa ng ating mga anak, ang ating mga apo, ang ating mga kabataan,” ang wika ng Pangulo.
“This is a very, very happy day for me dahil tradisyon ito dati pa, dito sa Palasyo. Gumagawa kami ng children’s party ‘pag Pasko para naman lahat nakasiguro tayo lahat ng ating kabataan sa buong Pilipinas ay merong Pasko, may konting party, may konting gift-giving, may konting palaro, at lahat ‘yan,” dagdag na pahayag nito.
Ang gift-giving activity ay sabay-sabay na isinagawa sa 40 iba’t ibang lugar sa bansa.
Samantala, sa Malacañang grounds, naka-set up ang inflatables at iba pang entertainment activities.
Kumanta rin ang mga bata ng “O Holy Night” at sinamahan sila ni Pangulong Marcos at ng kanyang asawa na si Unang Ginang Liza Araneta-Marcos.
