Trike driver nag-amok dahil sa masikip na daan CRIMINOLOGY STUDENT PATAY, 3 SUGATAN

PATAY ang isang criminology student habang sugatan ang tatlong kapamilya nito makaraang atakihin ng saksak ng isang tricycle driver sa Caloocan City.

Kinilala ang biktimang napatay na si Junel Talan, 20, ng Barangay 12, ng lungsod.

Napag-alaman, pauwi ang suspek na si Matias Avenido Jr., sakay ng minamanehong tricycle noong gabi ng Hulyo 20, nang hindi magkasya sa eskinita ang sasakyan nito dahil sa nakagaraheng motorsiklo sa tapat ng bahay ni Talan.

Ayon sa CCTV footage sa lugar, bumaba ang suspek sa kanyang tricycle at kinalabog ang bahay ng biktima.

Nang lumabas si Talan ay nagpambuno ang dalawa hanggang sa saksakin umano ng suspek ang biktima gayundin ang tatlong kapatid nito.

Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang suspek na kasalukuyang tinutugis ng mga awtoridad. (ALAIN AJERO)

233

Related posts

Leave a Comment