TRONO

MAHILIG akong manood ng documentary at series ng mga agawan ng trono.

Malala ang agawan ng trono sa kasaysayan ng Roman (history) na tila nangyayari pa rin sa panahon natin, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa iba’t ibang panig ng mundo.

Parang nauulit lang ang kasaysayan ng mga hierarchy ika nga nila.

Hindi nga lang kasing brutal noong panahon ng mga Romans na talagang nagpapatayan para lang sa kapangyarihan.

Medyo tame nga lang ang agawan ng trono sa panahon natin ngayon.

Kung noong panahon ng mga Romans ay talagang literal na nagsasaksakan sa likod, ngayon ay nagsasaksakan din pero hindi na gumagamit ng patalim kundi sa ‘galawang pailalalim’ ng mga nag-aagawan ng trono.

Sa Russia, inaakusahan ang kanilang presidente na si Vladimir Putin na binubura ang kanyang mga kalaban para hindi siya mawala sa kapangyarihan.

Sa Amerika, nagbabangayan sina Donald

Trump at Joe Biden sa trono ng pinakamakapangyarihang bansa sa buong mundo.

Sa China, hindi pinapayagan ang mga dissent para hindi mawala sa kapangyarihan ang Communist Party na itinatag ni Chairman Mao Zedong 70 taon na ang nakakaraan na pinamumunuan ngayon ni Xi Jinping.

Bakit ito ang topic natin ­ngayon? Dahil sa nangyayari ­ngayon sa Mababang Kapulungan sa agawan nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Alan Velasco sa trono ng kapulungan.

Ikaapat sa limang line of succession ang House Speaker mula sa Pangulo, Pangalawang ­Pangulo, Senate President at ang ika-5 ay ang Chief Justice ng Supreme Court.

Hindi na bago sa mga Filipino ang agawan ng trono ng mga ­hierarchy.

Panahon pa lamang nina Emilio Aguinaldo at Andres Bonifacio, may agawan na sa kanila kung sino ang dapat maging unang

Pangulo ng Pilipinas.

Hindi ba may mga nagsulat ng kasaysayan na kaya ipinapatay ni Aguinaldo si Bonifacio dahil sa Presidential seat lalo na’t si Gat Andres ang ibinoto na maging unang Pangulo ng bansa?

Trono rin ang dahilan kung bakit nagkaroon ng rebolusyon noong 1986 na naging dahilan para tanggalin sa kapangyarihan si ­dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Hindi ba ang mga pumalit ay ang mga kontra sa kanya?

Kung talagang walang interes sa trono ang mga kontra kay Marcos noon, hindi sila ang dapat pumalit.

Kung talagang para sa bayan ang kanilang dahilan ng pagtanggal kay Marcos, dapat sa iba ibinigay ang kapangyarihang pamunuan ang bansa.

Noong panahon din nina Sens. Ernesto Maceda at Edong Angara sa Senado, ­matindi rin ang galawan nila.

Ilang beses ba nagkaroon ng kudeta sa Senado noong mga panahong yun? Ano ang dahilan para magkudeta noon sa Senado? Hindi ba para ang utak ng coup ay para maluklok sa trono?

So, trono ang lahat ng galawan ng mga hierarchy.

Huwag nilang sabihin na para sa bayan ang ­ginagawa nila dahil simula pa lamang kay Aguinaldo, pansariling interes na ang nangingibabaw sa kanila.

Mayroon kasing ugali ang mga tao na kapag nasa itaas na, ayaw nang bumaba at yung mga nasa ibaba naman ay gagawin ang lahat para sila naman ang nasa itaas. Agree?

88

Related posts

Leave a Comment