MVP AT MGA AYALAS WALANG KADALA-DALA

MINSAN nang pinagalitan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga negosyanteng sina Manuel V. Pangilinan o mas kilala sa tawag na MVP at mga Ayala matapos ma-PUNA ang sobrang pahirap ng mga ito sa taumbayan.

Halos lahat na yata ng ­negosyo sa bansa ay kinupo na nila, mula sa telecommunications, tubig, transportation, real state at iba pa.

Balikan po natin kung bakit nagalit si Pangulong Duterte sa kanila, ito ay kaugnay sa Maynilad at Manila Water na pag-aari nina MVP at mga Ayala.

Sobra silang maningil sa kanilang konsumers ng tubig kahit hindi maayos ang kanilang serbisyo.

Ang Manila Water Incorporated na pag-aari ng mga Ayala ay hawak ang East Zone Manila Concession na kinabibilangan ng ­Mandaluyong, Marikina, Pasig, Pateros, San Juan, Taguig, Makati at ilang bahagi ng Quezon City at Manila.

Maging ang Antipolo City at mga bayan ng Angono, Baras, Binangonan, Cainta, Cardona, Jala-jala, Rodriguez, Taytay at San Mateo ay narating din ng MWCI na pawang mga bayan at lungsod sa probinsiya ng Rizal.

Hawak naman ng Maynilad ni MVP ang water concession ng mga siyudad ng Caloocan, Las Pinas, Malabon, Muntinlupa, Navotas, Paranaque, Pasay at Valenzuela at ilang bahagi ng Manila,

Quezon City at Makati West ng Metro Manila Skyway.

Bagamat humupa na ang galit sa kanila ni Pangulong Duterte ngayong may pandemya dahil nagpakita sila ng pagtulong sa gobyerno sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon sa mga nangangailangan, muli na naman nilang ginalit ang Pangulo sa isyu ng beep cards sa EDSA Busway.

Nitong nakaraang Oktubre 1, 2020 ay ipinatupad ang cashless na pamasahe sa EDSA Busway.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory

Board (LTFRB), beep cards na raw ang tatanggapin na pamasahe sa mga bus sa EDSA at wala nang cash o pera na gagamitin.

Sa araw na yan nabigla ang mananakay dahil kailangan nilang maglabas agad ng P150 para sa beep card.

Ang halaga ng card ay P80, maintaining load na P65 at tinatawag na convenience fee per load na P5 kaya umabot ng kabuuang P150.

Siyempre dahil hindi alam ng mga pasahero at sapat lang ang kanilang pamasahe sa kani-kanilang mga pupuntahan ay ­marami ang hindi nakasakay.

M­arami ang na-stranded sa EDSA na ­nagresulta sa kawalan ng physical distancing.

Kaya ayon nagalit uli si Pangulong Duterte kina MVP at mga Ayala. Pinatigil ang implementasyon ng beep cards sa EDSA Busway.

Para kasing ginawang ATM cards ng bangko ang beep cards ng mga bus sa EDSA.

Kung anu-anong ipinatong dito at kailangan pa ng maintaining balance. Ang gagaling nyo magkwenta ng inyong kikitain hindi na kayo naawa sa mga pasahero na halos wala na silang makain dahil sa hirap ngayong pandemya.

Ang P150 na kanilang i­babayad sa beep card ay pambili na nila ng tatlong kilos bigas na commercial rice.

Kung tutuusin ay pantawid gutom na ng ordinaryong Pinoy sa loob ng isang raw yan. Pero ang P150 na yan sa dami ng mga sumasakay sa mga bus araw-araw, pag naipon yan ay n­apalaking halaga nyan para sa mga ­negosyanteng sina MVP at mga Ayala.

Ang lalakas ng loob nyong pansamantalahan ang taumbayan.

Kung hindi nasilip ni Pangulong Duterte yan ay tuloy na naman ang kanilang pananamantala sa maliliit na mamamayan.

Kawawang lahi ni Juan Dela Cruz, lagi na lang napagsasamantalahan.

Dapat yan mahubaran ng maskara kung sino ang nasa ­­gobyerno na padrino ng mga ­negosyanteng ito.

Sinubukan nilang makalusot pero hindi sila umubra dahil malinaw na hindi maganda ang kanilang ginawa.

Mulat na ngayon ang taumbayan kaya hindi na sila mananahimik laban sa mapagsamantala maging pribado man o nasa ­gobyerno.

Lalo pa ngayon na may kakampi sila si Pangulong Duterte na hindi rin pumapayag sa mga katiwalian.

Medyo tahimik na sana si Pangulong Duterte kina MVP at mga Ayala ngayon muli nilang binuksan galit nya.

Maghanda kayo sa resbak!

Gusto ata nilang sila ang mapagtuunan ng pansin ni Pangulong Duterte.

72

Related posts

Leave a Comment