BATAAN – Sugatan ang isang barangay chairman at dalawa pa niyang kasama makaraang pagbabarilin habang nag-iinuman sa isang canteen sa bayan ng Ibaan sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng gabi.
Nilalapatan ng lunas sa isang ospital ang biktimang si Kevin Palma, 27, barangay chairman ng Lapu-Lapu, Ibaan sanhi ng mga tama ng bala sa kamay at katawan.
Sugatan din ang dalawa niyang mga kainuman na sina Wilfredo Lumanglas, 45, government employee, at Williardo Guerra, 48, driver.
Batay sa report ng Ibaan police, pumasok sa loob ng canteen ang mga suspek at pinaulanan ng bala ang mesa ng mga nag-iinuman.
Agad ding tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril at sumakay sa isang motorsiklo patungo sa direksyon ng bayan ng San Jose, Batangas.
Kinakalap pa ang Ibaan PNP ang kuha ng mga CCTV camera camera sa lugar para matukoy ang pagkakakilanlan sa mga suspek at inaalam ang posibleng motibo sa pamamaril. (NILOU DEL CARMEN)
191 