TULAK NG DAMO NABINGWIT SA TONDO

NABINGWIT ng mga tauhan ng Hermosa Police Community Precinct, sakop ng Manila Police District – Jose Abad Santos Police Station 7, ang isang 29-anyos na hinihinalang tulak ng ilegal na droga, sa ikinasang “Oplan Galugad” makaraang makumpiskahan ng pinatuyong dahon ng marijuana noong Huwebes ng madaling araw sa Barangay 202, Zone 19, Tondo, Manila.

Kinilala ang suspek na si Steven Rellota, 29, binata, jobless, residente ng nabanggit na lugar.

Base sa ulat ni Police Staff Sergeant Paul Francis Pagaran, team leader ng Hermosa PCP follow-up operatives, dakong alas-1:45 ng madaling araw, nagkasa ng operasyon ang mga awtoridad nang mamataan ang suspek sa madilim na bahagi ng lugar.

Agad itong kinapkapan at nakumpiskahan ng 470 gramo ng marijuana na tinatayang P56,000 ang street value

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (RENE CRISOSTOMO)

162

Related posts

Leave a Comment