TULAK PATAY SA PNP-PRO5, P6.8-M DROGA NASAMSAM

PATAY ang isang hinihinalang drug pusher sa ikinasang buy-bust operation ng mga pulis sa La Purisima Pili, Camarines Sur.

Ayon sa report mula sa Camarines Sur Police Provincial Office, ang suspek ay kinilalang si Glen Gan, nakatira sa Naga City Subdivision, Triangulo, Naga City.

Ang nasabing operasyon ay nauwi sa palitan ng putok na naging sanhi ng pagkamatay ng nasabing suspek. Nakumpiska sa suspek ang isang pakete ng transparent plastic na naglalaman ng tinatatayang 1,000 gramo ng hinihinalang shabu na P6,800,000 ang halaga.

Bukod dito, nakuha rin ang kalibre .45 pistola na ginamit ng suspek laban sa mga operatiba.

Ang pagkakahuli sa hinihinalang drug pusher ay bunga nang matinding pagpaplano ng pinagsamang mga operatiba ng Regional Drug Enforcement Unit 5 Team, Camarines Sur/Naga, Camarines Sur Provincial Intelligence Unit, Municipal Drug Enforcement Unit at Pili MPS sa pakikipag-ugnayan sa PDEA ROV.

Ang buong hanay ng PNP-PRO5, sa pamumuno ni P/BGen. Jonnel C. Estomo, Regional Director, ay buo ang loob na wakasan na ang suliraning kinakaharap ng rehiyon hinggil sa ilegal na droga. (JESSE KABEL)

293

Related posts

Leave a Comment