TULAK TIMBOG SA P400-K SHABU

TINATAYANG P400,000 halaga hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa buy-bust operation sa Marikina City.

Kinilala ni Marikina Police chief, P/Col. Restituto Arcangel ang suspek na si Mellowie Buen, alyas Bossing, 28, bagong high-value target ng pulisya.

Ang suspek ay nadakip sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Marikina City Police Station’s Drug Enforcement Unit sa Gen. Ordoñez Street, Barangay Marikina Heights sa nabanggit na lungsod.

Nakumpiska sa suspek ang 17 plastic sachets ng umano’y shabu na 60 gramo ang timbang at tinatayang P 408,000 ang street value, 9mm pistol (Norinco), isang pirasong empty magazine, apat na pirasong buhay na bala ng 9mm, P500 buy-bust money at isang Toyota Avanza.

Nakakulong na sa Marikina City Police Station custodial facility ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (KNOTS ALFORTE)

 

104

Related posts

Leave a Comment