Tuloy sa pagdami ang COVID cases, deaths 338 na 25 BARANGAY SA QC ILA-LOCKDOWN – IATF

TINATAYANG may 25 barangay sa Quezon City ang planong isailalim sa “special concern lockdown” bunsod ng patuloy na pagtaas ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) infections.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, hiniling sa kanya ng Quezon City government sa isang pulong, araw ng Huwebes na magpatupad ng special concern lockdown sa 25 barangay na
kinukonsiderang COVID-19 “hotspots”.

Sinabi Nograles, bilang co-chair ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na ang nasabing suhestiyon ay makatutulong na mabawasan ang local transmission ng COVID-19 sa lungsod.

“The 25 barangays, based on nakita namin na pwedeng tawaging hotspots kasi tumataas ‘yung bilang ng COVID-19 cases for the last seven days ,” ayon kay CabSec Nograles, na itinalaga para i-
monitor ang ginagawang pagtugon ng lokal na pamahalaan ng Quezon City sa COVID-19.

Ang city government ay nagpatupad na ng special concern lockdown sa matataong lugar sa Quezon City.

Aniya, ang mga barangay sa Batasan Hills, Culiat, Fairview, Tatalon, Sauyo, Bahay Toro, Kamuning, Roxas, Bagbag, Baesa, at Kaligayahan ay isinailalim na sa special concern lockdowns.

Sa roster na isinumite ni CabSec Nograles sa Quezon City government, ipinanukala niya ang pagpapatupad ng kahalintulad na lockdown sa 25 iba pang barangay kabilang na ang Tandang Sora,

Commonwealth, Holy Spirit, Novaliches Proper, Pasong Tamo, Crame, Payatas, Soccoro, Matandang Balara, Pinyahan, at San Roque.

Kamakailan ay inaprubahan ng IATF-EID ang Resolution 62, “which mandates its members to give “stronger support” to local government units (LGUs) in Metro Manila and the provinces of Bulacan, Cavite, Laguna, and Rizal that are under modified enhanced community quarantine.”

Ani CabSec Nograles, ang IATF-EID members ay kikilos lamang bilang tulay ng LGUs sa national government.

Ang Quezon City ay mayroong 8,240 na total confirmed cases ng COVID-19.

Kaugnay nito, nakapagtala ang lungsod ng bagong sampung namatay sa nasabing virus nitong

Huwebes kaya umakyat na sa kabuuang 338 ang COVID deaths nito. (CHRISTIAN DALE/JOEL AMONGO)

164

Related posts

Leave a Comment