TULOY-TULOY ANG ADBOKASIYA NG PITMASTER FOUNDATION

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

SA gitna ng kinakaharap na pagsubok ng marami nating mga kababayan, tuloy-tuloy naman ang bagong environmental ­advocacy ng Pitmaster Foundation, Inc.

Sabi nga ni Pitmaster Executive Director Atty. Caroline Cruz, hindi hadlang ang pagkawala ng e-sabong sa kanilang pangako na tutulungan ang mamamayan sa abot ng kanilang makakaya.

Naging matagumpay ang event na inisponsoran ng Pitmaster kamakailan.

Pinamagatang Disaster and Climate Emergency Policy Forum, layon daw ng aktibidad na maibsan ang epekto ng climate change sa bansa.

Kung hindi ako nagkakamali, ginanap ang forum na iyon sa Lungsod ng Makati.

Dinaluhan iyon ni House Chairperson of Ways and Means Committee, Rep. Joey Sarte Salceda, at stakeholders mula sa ­gobyerno, non-government organizations, at private sectors.

Doon nga ay tinalakay ang climate policies ng bansa, tulad ng sapat na financing, community adaptation, at renewable energy na makatutulong din sa ating mga kababayan.

Ayon kay Atty. Cruz, suportado nila ang climate change agenda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Bagama’t kulang sa pondo, namahagi pa rin ang Pitmaster ng libo-libong relief goods sa mga apektado ng super typhoon Karding sa Quezon Province kamakailan.

Pinuntahan din ng foundation ang iba pang mga lugar na tinamaan ng bagyo.

Sa pagsasara ng e-sabong, hirap naman ang sektor ng paggawa na maitawid ang buhay nila araw-araw.

Maging ang nasa mahigit 50,000 dialysis patients sa 350 ­partner dialysis centers ay apektado rin.

Isa kasi ang Pitmaster sa malalaking private sector sources ng medical at financial assistance sa mahihirap na sektor.

Kaya hanggang ngayon, inuulan pa rin ng suporta ang foundation sa social media platforms.

“Despite the suspension of their operation, they are still ready to extend a helping hand. I’m still hoping for the reinstatement of eTalpak since it’s the biggest source of funding of Pitmaster Foundation to help our kababayans. This is not all about the game na, eh. It’s all about the benefit we can get from it. If there’s an ­appeal form to sign so eTalpak would be back to operation, I’d be glad and willing to sign on it,” wika ni Ms. Quinna Louise.

147

Related posts

Leave a Comment