IKINABAHALA ni Senador Sherwin Gatchalian ang report ng Philippine National Police na mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon, umabot na sa 2,000 katao ang nag-suicide.
Dahil dito, muling nanawagan si Gatchalian sa gobyerno na tutukan at agad aksyunan ang problema sa mental health crisis.
Iginiit ng senador na hindi na dapat pang hintaying may buhay pang mawala bago kumilos ang gobyerno.
Muli ring binigyang-diin ni Gatchalian ang pangangailangang ipatupad nang maayos ang Mental Health Act at ang Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act.
Sinabi ng senador na kailangang mabigyan ng sapat na pondo ang implementasyon ng mga batas na ito at maging accessible sa lahat ng mga Pilipino.
(DANG SAMSON-GARCIA)
137 