TUMAWID NA LOLA NABUNDOL SA KALSADA

CAVITE – Patay ang isang 68-anyos na lola nang masagasaan ng isang sasakyan habang tumatawid sa kalsada sa bayan ng Silang sa lalawigan noong Martes ng umaga.

Isinugod sa ospital ang biktimang si alyas “Nida” ng Tolentino St., Brgy. Puting Kahoy, Silang, Cavite subalit hindi na umabot nang buhay.

Inaresto naman ang suspek na si alyas “Daryl”, 27, binata, ng Brgy. Bungahan, Biñan, Laguna, na nagmamaneho ng isang KIA K2500 na may plakang NEQ 2141.

Ayon sa ulat, bandang alas-6:27 ng umaga nang mangyari ang insidente sa kahabaan ng Tagaytay-Sta. Rosa Road sa Brgy. Puting Kahoy, Silang Cavite.

Minamaneho umano ni Daryl ang KIA K2500 na may plakang NEQ 2141, ngunit pagsapit sa nasabing lugar nang mabangga nito ang biktima na noon ay patawid sa kalsada.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ng ilang metro ang biktima.

Mabilis na isinugod sa AUP Clinic ang biktima subalit hindi umabot nang buhay habang agad namang nadakip ang driver ng nakabanggang sasakyan.

(SIGFRED ADSUARA)

76

Related posts

Leave a Comment