(Ni BERNARD TAGUINOD)
Dahil wala ng malabo nang mapalawak pa ang EDSA, iminungkahi ng isang Metro Manila Congressman na maglagay ng tunnel sa ilalim ng nasabing highway na kilala ngayon bilang pinakamasikip na kalsada dahil sa trapik.
Ginawa ni Pasig City Rep. Roman Romulo ang nasabing mungkahi kasunod ng panukala ng negosyanteng si Ramon S. Ang na maglagay ng elevated steel toll expressway sa ibabaw ng EDA upang maresolba ang problema.
“A Malaysian-type SMART underneath EDSA is another option that might help solve the horrendous vehicular congestion on EDSA,” ani Romula kaya hinimok nito ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na pag-aralan din ang subway tulad ng ginawa sa Kuala Lumpur, Malaysia.
“Since we can no longer widen EDSA, the only options left are to put up an elevated road above and alongside the Metro Rail Transit 3, as proposed by SMC, and/or build a new motorway below EDSA,” ayon sa kongresista.
Nabatid kay Romulo na ang Malaysia ay nagtayo ng four-lane double-deck Stormwater Management and Road Tunneo o SMART na nagkakahalaga ng US$115 Million.
“SMART is basically a 4-kilometer motorway and 9.7-kilometer flood control system in one.Under normal conditions without any rainfall, the tunnel serves as a road for light motor vehicles,” anang mambabatas.
Naniniwala si Romulo na malaki ang maitutulong ito para maibsan kundi man tuluywan maresolba ang problema sa trapik sa EDSA dahil sa ngayon aniya ay tila wala na itong pag-asang lumuwag pa.
Kilala ngayon ang EDSA bilang pinakamasikip na kalsada sa Metro Manila dahil sa volume ng mga pribadong sasakyan na dumadaan dito araw-araw bukod sa mga pampasaherong bus at iba pang sasakyan.
