TYPHOID FEVER LUMALAGANAP SA CALABARZON

QUEZON – Umabot sa 68 kaso ng typhoid fever ang naitala sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) region mula Enero 1, 2021 hanggang Mayo 29, 2021.

Ang probinsiya ng Laguna ang nagtala ng may pinakamataas na bilang na umabot sa 30 kaso, sumunod ang Cavite, 26; Rizal, 6, at Batangas, 1.

Ayon kay DOH-CALABARZON Regional Medical Technologist Kimberly B. Cu, ang typhoid fever ay laganap sa mga lugar kung saan may kakulangan sa kalinisan at marumi ang pinagkukunan ng maiinom na tubig.

Nagbabala rin si Cu sa pagkain ng street foods na nadadapuan ng mga insekto at pinakainam ang palaging paghuhugas ng kamay bago at matapos kumain.

Ang typhoid ay isang infectious disease na sanhi ng bacteria Salmonella typhi at nakukuha ito sa pamamagitan ng pagkain o pag-inom ng tubig na kontaminado ng bacteria.

Ang isang tao na may typhoid fever ay nakararamdam ng mataas na lagnat, pananakit ng ulo, paghihina, walang gana sa pagkain, diarrhea at constipation. At kung nararanasan ang lahat ng mga sintomas na ito ay kinakailangang dalhin sa ospital. (SIGFRED ADSUARA)

420

Related posts

Leave a Comment