UAAP Season 84 women’s volleyball PAGTATAPOS NG ELIMINASYON

ITATAKDA ng National University ang magiging direksyon ng Final Four ngayon (Huwebes) sa huling elimination day ng UAAP Season 84 women’s volley­ball tournament sa Mall of Asia Arena.

Nakadepende ang magiging placing ng Final Four sa resulta ng salpukan ng NU at University of Santos Tomas sa ganap na alas-4:00 ng hapon.

Una rito, maglalaban sa unang game sa alas-10:00 ng umaga ang kapwa eliminated nang University of the East at Far Eastern University.

Susundan ito ng tapatan ng Adamson University at De La Salle University 12:30 ng tanghali.

At maghaharap sa main game sa alas-6:30 ng gabi ang Ateneo de Manila University at University of the Philippines.

Tiyak nang pasok sa ­kampeo­­nato ang Lady Bulldogs at tanging asam nito ay mapreserba ang imakuladang kartada.

Samantala, importanteng ma­nalo ang ADMU at AdU na nga­yon ay tabla (7-6 panalo-talong record) at kapwa puntirya ang pang-apat na puwesto. (ANN ENCARNACION)

252

Related posts

Leave a Comment