UGNAYAN NG PULIS AT KOMUNIDAD SA FIRE PREVENTION MONTH INILUNSAD SA TONDO

NAKIPAG-UGNAYAN sa komunidad ang mga pamatay sunog mula sa Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection upang makaiwas sa sa sunog kasabay ng paggunita sa Fire Prevention Month, partikular na sa Tondo, Manila.

Pinangunahan ni P/Lt. Col. Harry Ruiz Lorenzo lll, station commander, ang pagpapaalala sa pag-ingat sa sunog ngayong buwan ng Marso o kahit sa anong petsa.

Naging guest speaker sa okasyon si Senior Fire Officer Al Jeph Lorenzo na nagpaliwanag sa pag-iingat upang makaiwas sa sunog.

Kasama rin sina P/Major Christopher Del Mundo, hepe ng Asuncion Police Community Precinct, P/Cpl. Mark Sherwin De Leon ng Dagupan Outpost, at P/SMS Georgyn Lozano, SCADS supervisor.

Nagbahagi ang mga awtoridad ng kanilang kaalaman sa komunidad na sakop ng Brgy.

32 sa Tondo hinggil sa pag-iwas sa sunog.

Sa nasabing barangay na sakop ng Asuncion PCP at ng Dagupan Outpost, ipinamalas ng mga bumbero ang paggamit ng hose sa pag-apula sa sunog.

Naniniwala si P/Lt. Col. Lorenzo na ang kanilang ginawang pakikipag ugnayan sa mga tauhan ng Bureau of Fire Protection ay makatutulong kung may magaganap na sunog sa kanyang area of responsibility (AOR). ( RENE CRISOSTOMO)

391

Related posts

Leave a Comment