QUEZON – Nahaharap sa kasong physical abuse ang isang pulis matapos na ireklamo ng kanyang dating live-in partner na kanya umanong binugbog sa bayan ng Lopez sa lalawigang ito, noong Linggo ng madaling araw.
Noong Martes, dumulog sa pulisya ang biktimang si alyas “Ana” at ipinagharap ng reklamo ang kanyang dating ka-live-in na miyembro ng Lopez MPS na may ranggong police corporal.
Ayon dito, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang dumating ang pulis sa kanyang bahay at nagkaroon ang mga ito ng mainitang pagtatalo na nauwi sa pambubugbog ng suspek.
Tinakot pa ito ng pulis na nagsabing: “Bago ka pa makapagsumbong, napatay na kita!”
Ayon pa sa pahayag ng biktima, palagi itong ginagawa ng suspek kapag ito ay nagtutungo sa kanyang bahay. (NILOU DEL CARMEN)
