CAVITE – Pinaniniwalaang bunsod ng kalasingan kaya nahulog ang isang lalaki sa creek naging dahilan ng pagkamatay nito sa bayan ng Alfonso sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi.
Kinilala ang biktimang si alyas “Pagara”, residente ng Brgy. Olivarez, Tagaytay City.
Ayon sa ulat ni P/SSgt. Boyet Soriano ng Alfonso Police Station, alas-8:40 ng gabi noong Lunes nang nakatanggap sila ng tawag hinggil sa isang lalaking walang malay sa isang creek sa Brgy. Luksuhin Ibaba, Alfonso, Cavite.
Agad nagresponde ang mga awtoridad ngunit naabutang wala nang buhay ang lalaki.
Huling nakitang buhay ang lalaki habang lasing at pumasok sa isang nipa hut na malapit sa creek kung saan ito natulog. (SIGFRED ADSUARA)
202 