Unang generic Anti-Covid drug sa mundo MAYNILA MAGKAKAROON NA NG BEXOVID

NOONG Martes, inihayag ni Manila Mayor Isko Moreno na malapit nang magkaroon ng sariling supply ang pamahalaang lungsod ng pinakahihintay na antiviral na gamot na tinatawag na Bexovid, ang unang generic version ng Pfizer’s Paxlovid sa buong mundo, matapos maaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA).

“Ako po ay nagpapasalamat sa ating mga kaibigan sa FDA at kanilang inaksyunan nang mabilis ang ating application. Hindi natin basta-basta magagamit ang mga gamot na ito sa Covid kung wala tayong CSP. With the agency’s approval, pwede na natin maibigay sa mga pasyente kapagka dumating na ang ating advanced order,” sabi ni Moreno sa Facebook live.

Ang Bexovid ay ginagamit para sa lampas 12 years old na may mild to moderate symptoms ng COVID-19. Ang pag-inom nito sa loob ng 3-5 days mula sa onset ng symptoms ay maaaring mabawasan ng 88-89% na panganib sa hospitalization and death.

Ang pagbili ng pinakabagong anti-Covid na gamot ay isa lamang sa maraming initiatives ng pamahalaang kabisera ng lungsod upang pigilan ang pagkalat ng virus at iligtas ang buhay ng tao mula sa malubhang nakahahawang sakit.

Nananatiling open-policy ang Maynila mula noong simula ng pandemya. Ipinahayag ni Moreno na ang mga Non-Manila residents ay maaari ring makakuha ng mga gamot na anti-Covid nang libre mula sa Manila Health Department, na mayroong sapat na stock ng Remdesivir, Tocilizumab, Baricitinib, at Molnupiravir.

235

Related posts

Leave a Comment