Tinalo ng batang Pacquiao via unanimous decision si Jonathan Barajas ng Mexico.
Umiskor ang eldest son ni boxing legend Manny Pacquiao ng 30-29 sa scorecards ng dalawang hurado, habang 29-28 sa isa pa, kahit dehado si Jimuel sa unang bahagi ng laban.
Ginanap ang naturang laban sa Montebello Country Club at naging special attraction amateur bout ng Tom Loeffler’s 360 Promotions at sinaksihan ng ilang kilalang personalidad kabilang si UFC president Dana White.
Matapos ang laban ay nagpapiktyur pa si White kina Jimuel at MP Promotions president Sean Gibbons.
Ang panalo ay second consecutive na sa US ng 21-anyos na Pacquiao, na unang tinalo si Mexican-American Andres Rosales sa San Diego, California noong Marso.
Bagama’t nasa Pilipinas ang buong pamilya para tumulong sa kampanya ng natalong presidentiable na si Manny Pacquiao, nagpasya si Jimuel na manatili sa US at magpokus sa kanyang boxing career sa ilalim ni Hall of Famer Freddie Roach at Filipino trainer Marvin Somodio. (DENNIS INIGO)
