UNDECLARED GOODS NASABAT NG BOC, BITBIT NG ISANG HAPON

UNDECLARED GOODS

Iba’t ibang  ‘undeclared goods’  na bitbit ng isang pasaherong  Hapon ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs  na dumating sa Sub-Port ng Mactan, Cebu kama­kailan.

Batay sa ulat ng Customs, Enero 21, 2019 ,dumating ang naturang shipment na dala-dala  ng Hapon na nakilalang si  Kazunori Yamamoto.

Ayon sa Customs Examiner na si Cirila Lumacad,  sa isinagawang physical examination ng nasabing kargamento ng pasahero ay  natuklasan ang mga ‘undeclared goods’

Kabilang dito ang  dalawang kahon na naglalaman ng 50 tubes ng Belta Mother cream; 100 na maliliit na bote ng Belta tablet; 10 maliliit ng jars ng Palclair skin cream gel; 50 pakete ng Belta Rooibos tea at 155 maliliit na pakete ng Belta malt raw enzyme.

Wala umanong naipakitang License to Operate mula sa Food and Drugs Authority (FDA) si Yamamoto.

Samantala, sa isa pang  isinagawang eksaminasyon ni Ms. Therese Antoinette Cuyos, kinatawan mula sa FDA inirekomenda nitong harangin  o huwag   i-release ang nasabing  mga kargamento.

Kaya naman ang Warrant of Seizure and Detention (WSD) ay inisyu noong Abril 15, 2019 sa nabanggit na undeclared items dahil sa paglabag sa Section 1113 Section (f) na may kaugnayan sa Section 117, Section 1113 (i) at Section 1404 ng Customs Modernization and Tariff Act.

Kaugnay nito, ipinag-utos na rin ni  District Collector Atty. Elvira Cruz ang  direktang pagkumpiska  ng  Customs Enforcement and Security Service (ESS) sa mga items, batay na rin isinasaad ng Customs Memorandum Order No. 8-84 sa pamamagitan   ng customs personnel mula sa Sub-Port of Mactan Passenger Service sa pamumuno ni OIC Atty. Ricardo Morales II, CESE.

Ang ‘service of warrant of seizure’ ay isinagawa sa Mactan Cebu International Airport, Sub-Port of Mactan Passenger Service sa pamamagitan ni Special Agent II Robert Terence Monteno noong Abril 30, 2019 na kung saan  nakaimbak ang nasabing  kargamento para sa safekeeping at  final disposition.

132

Related posts

Leave a Comment