US DELEGATES DADALO SA INAGURASYON NI BBM

(JESSE KABEL)

DADALO ang presidential delegation ni United States (US) President Joe Biden sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Huwebes, Hunyo 30.

Kinumpirma ng White House ang pagdalo ng delegasyon na pangungunahan umano ni US Second Gentleman Douglas Emhoff.

Si Emhoff ay asawa ni Vice President Kamala Harris.

Kasama ni Emhoff na bubuo sa delegasyon sina: Heather Variava, Chargé d’Affaires, ad interim, US Embassy Manila; Bobby Scott, Chairman of the Committee on Education and Labor; United States Representative (D) Virginia Nani A. Coloretti, Deputy Director, Office of Management and Budget Admiral James “Sandy” A. Winnefeld, Jr. (Ret.), Former Vice Chairman of the Joint Chiefs of Staff; Edgard D. Kagan, Special Assistant to the President and Senior Director for East Asia and Oceania, National Security Council at Chantale Y. Wong, US Director of the Asian Development Bank.

PNP 100% ready

Samantala, all systems go na ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) gayundin ang iba pang security forces ng gobyerno para sa makasaysayang inagurasyon ni Marcos Jr.

Dalawang araw bago ang pormal na panunumpa sa tungkulin ni PBBM, sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, halos 100 percent nang handa ang PNP sa kanilang inilatag na seguridad sa National Museum kung saan magaganap ang inagurasyon.

Nagsagawa na rin ng rehearsal para sa civic and military parade ang iba’t ibang pwersa ng AFP at PNP.

Ang nasabing puwersa ay magsisilbi ring augmentation force kung kakailanganin ng tulong ng mga pulis at sundalong itinalaga para sa pangangalaga ng kaayusan at seguridad loob at labas ng National Museum.

Sa bahagi ng Maria Orosa, nagsimula ang martsa ng mga kasama sa “parading units” na kinabibilangan ng personnel mula Philippine Coast Guard (PCG), mga tauhan ng PNP, Philippine Navy, Philippine Air Force (PAF) at iba pang mula sa PNP Academy at Philippine Military Academy (PMA).

Ipinakita rin ang mga sasakyan at assets mula sa mobile, trucks, tangke, iba’t ibang gamit ng AFP, PNP at PCG na ide-deploy sa araw ng oath-taking.

Ngayong Miyerkoles naman o bisperas ng inagurasyon ay magdaraos muli ng huling rehearsal.

“With only days before the inauguration of President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., the Philippine National Police (PNP) had not monitored any security threats to the ceremony,” ayon sa tagapagsalita.

Una nang inihayag na halos 15,000 security personnel ang idedeploy sa Huwebes sa National Museum.

Mapapanood via live stream

Nakikipag-ugnayan na rin umano sa mga Local Government Unit o LGU ang mga kawani ng PNP para sa pag-live stream ng inagurasyon ni Marcos Jr. partikular sa EDSA.

Ayon kay Col. Fajardo, partikular na tututukan ang paglalagay ng mga LGU ng malalaking led wall sa kani-kanilang lugar para sa live-streaming ng naturang aktibidad.

Layunin anya nito na ma-decongest ang paligid ng National Museum sa Maynila dahil inaasahang daragsain ito ng mga tao.

Hinimok naman ni PNP Officer-In-Charge, Lt. Gen. Vicente Danao ang mga LGU sa paligid ng lungsod ng Maynila na ideklara ring holiday ang Hunyo 30.

Una nang nilagdaan ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang Executive Order na nagdedeklara sa inagurasyon ni Marcos bilang special non-working holiday sa lungsod.

230

Related posts

Leave a Comment