Usap-usapan sa social media DOH SEC HERBOSA NA-‘HULI CAM’

KUMALAT sa social media ang video clip na naglalarawan na na-‘huli cam’ si Department of Health Secretary (DOH) Ted Herbosa ng isang television network nang inspeksiyunin nito ang isang Super Health Center (SHC) sa Marikina City.

Narinig sa live interview ng isang TV network si Herbosa na nagsalita ng “At least tayo ang nag-expose. It’s better na tayo nag-expose kaysa tayo ma-expose. Bahala na sila magpaliwanag.”
Ang pahayag ni Herbosa ay ukol sa SHC ng Concepcion Dos na tinawag niyang non-operational.

Subalit sinabi ng lokal na pamahalaan na nagpasya itong sasagutin ang gastos sa pagtatayo ng SHC kasunod ng kabiguan ng DOH na maglabas ng pondo para sa mga susunod na phase nito.

Ipinarating ng lokal na pamahalaan ang intensiyon nito sa isang sulat kay Herbosa na may petsang Oktubre 9, 2025.

“Dahil kailangan ng tao ang serbisyong medikal, kami na ang kusang nagdesisyon mag-allocate ng P200 million budget dito sa aming budget for 2026. The super health center will not just give

basic health services, but also integrate an autism center for people with special needs,” wika ni Marikina Mayor Maan Teodoro.

Sumulat na rin noong 2024 ang Marikina sa DOH na humihingi ng dagdag na P180 milyon para makumpleto ang apat na palapag na Super Health Center, ngunit walang ibinigay na pondo ang ahensiya.

Natapos ang Phase 1 ng proyekto noong 2024 na binigyan ng P21 milyon sa ilalim ng Health Facilities Enhancement Program (HFEP), na saklaw lang ang tinatawag na foundational works.

“To be clear, we have done our part as the local government to complete the first phase of the project in line with the budget provided by the DOH. Ang DOH ang may pagkukulang,” wika ni Teodoro. (EG)

58

Related posts

Leave a Comment