Usok sa Los Baños ‘di indikasyon ng pagsabog MOUNT MAKILING INACTIVE VOLCANO – PHIVOLCS

INIHAYAG ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na isang inactive volcano ang Mt. Makiling kaya hindi ito maaaring sumabog.

Ito ay makaraang mangamba ang mga residente ng isang subdibisyon sa Los Baños, Laguna dahil sa paglabas ng usok sa paanan ng nasabing bundok.

Ayon sa Facebook post ng Phivolcs nitong Huwebes ng hapon, “Ang nakitang ‘steaming’ ay mula sa hot springs katulad ng hot spring resorts na pinupuntahan sa Laguna. Ang hot springs ay normal na makikita sa mga bulkan”.

Ito ay kahalintulad sa mga nakikita sa hot spring resorts sa Pansol at Calamba sa Laguna.

Matatandaang nagulantang ang mga residente ng Lakewood Subdivision sa Brgy. Tadlac, Los Baños noong Huwebes ng umaga nang makitang umuusok ang kanilang lugar kaya’t agad na binisita ni Mayor Tony Kalaw ang nasabing lugar.

Inulat din kaagad ng lokal ng pamahalaan sa Philvocs ang insidente upang mabatid ang dahilan ng pag-usok. (CYRILL QUILO)

399

Related posts

Leave a Comment