Utos sa PhilHealth PAGBABAYAD SA HOSPITALS BILISAN

INATASAN ni Executive Secretary Salvador Medialdea si PhilHealth President Dante Gierran na bilisan ang pagpoproseso ng pagbabayad sa mga ospital.

Ito’y sa harap na rin ng pahayag ng Private Hospital Association of the Philippines na napipilitan na silang magbawas ng mga tao bunsod na rin umano ng kakulangan ng kanilang pondo dahil hindi pa bayad ang ibang claims.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, naging malinaw naman ang mensahe ni Medialdea kay Gierran lalo’t 70 porsiyento ng healthcare capacity ay nasa kamay ng mga pribadong ospital.

Lalabas aniya na kung walang pondo ang mga pribadong ospital ay wala rin silang magiging kakayahan na gamutin ang mga nagkakasakit.

Nauna nang nagmungkahi ang DBP na magpa-bills purchase na o sila na muna ang magbabayad ng pagkakautang ng PhilHealth at mula roon ay sila na ang kukuha ng reimbursement sa PhilHealth. (CHRISTIAN DALE)

233

Related posts

Leave a Comment