PUMAYAG ang Indonesian government sa kahilingan ng Pilipinas na ilipat ang convicted overseas Filipino worker (OFW) na si Mary Jane Veloso sa lokal na bilangguan.
“Mary Jane Veloso is coming home,” ani Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa isang kalatas.
Sinabi nito na ang pagbabalik ni Veloso sa bansa ay produkto ng napakarami at dekadang diplomasya at konsultasyon.
“Mary Jane’s story resonates with many: a mother trapped by the grip of poverty, who made one desperate choice that altered the course of her life. While she was held accountable under Indonesian law, she remains a victim of her circumstances,” ang sinabi ng Pangulo.
Samantala, nagpasalamat naman si Pangulong Marcos sa kanyang counterpart na si President Prabowo Subianto at sa Indonesian government para sa kanilang “goodwill.”
Samantala, nakiisa ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa sambayanang Pilipino sa pagdarasal para sa matagumpay na resolusyon ng kaso ni Veloso.
“One which shall do justice to Ms. Veloso and her family while strengthening the deep bonds of friendship between the Philippines and Indonesia,” ayon sa departamento.
Presidential
Clemency
Sa kabilang dako, hiniling ng kinatawan ng kababaihan sa Kamara na pagkalooban ng presidential clemency si Mary Jane Veloso pagbalik nito sa Pilipinas matapos ang 11 taong pagkakabilanggo sa Indonesia.
“Tagumpay ng mamamayang Pilipino ang napipintong pagbabalik ni Mary Jane. For 14 years, we have asserted that Mary Jane is a victim, not a criminal. She is a victim of human trafficking and the government’s labor export policy that continues to push Filipino women to work abroad despite the risks,” ani Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas.
Noong 2010 ay inaresto si Veloso sa Indonesia dahil sa pagdadala ng suitcase na may laman na 2.6 kilograms ng heroin at kalaunan ay sinintensyahan ng kamatayan.
Sa apela ng gobyerno mula noong panahon ni dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, nakaiwas si Veloso sa bitayan at matapos ang 14 taon ay pumayag si Indonesian President Prabowo Subianto na ilipat ito sa kustodiya ng Pilipinas.
“The government must grant her clemency and provide full support for her and her family,” ani Brosas kung saan pinitik dito nito si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa pagsasabing “Veloso was held accountable under Indonesian law”.
Iginiit din nito na resolbahin ng kasalukuyang administrasyon ang kahirapan dahil ito ang nagtutulak sa mga Pinoy na makipagsapalaran sa ibang bansa na sinasamantala naman ng mga human at drug trafficker. (CHRISTIAN DALE/BERNARD TAGUINOD)
114