PALALAWIGIN hanggang sampung taon ang US Visa ng mga Pinoy seafarer at crew ng mga cruise ship bilang suporta sa maritime industry ng Pilipinas.
Inihayag ito ng Amerika sa pagbisita sa bansa ni US Vice President Kamala Harris.
Batid umano ng US government na dominado ng mga manggagawang Pinoy ang global cargo at cruise industries na umaabot sa mahigit 30 percent ng seafarers sa buong mundo.
Bukod dito, tiyak ding bibilis ang pagproseso sa pagbiyahe ng isang Pinoy patungong Amerika.
Samantala, susuportahan naman ng US Trade and Development Agency, oras na magbaba ng go signal ang US Congress, ang upgrading and expanding ng vessel traffic management system (VTMS) ng Philippine Coast Guard para mapabuti ang maritime safety and environmental monitoring nito.
“As a nation comprised of over 7,000 islands and growing vessel traffic activity, the Philippines needs to expand its VTMS capabilities to cover major ports and navigation paths,” ayon pa sa kalatas ng US.
Bago winakasan ni VP Harris ang kanyang 3 days official trip sa Pilipinas ay nakipag-usap ito mga residente at mga mangingisda sa Palawan maging sa pamunuan ng Philippine Coast Guard para iparamdam ang suporta ng Amerika at kahandaan nitong tumulong sa pagtatanggol sa Pilipinas sa gitna ng umiinit na tensyon sa West Philippine Sea. (JESSE KABEL RUIZ)
227