VILLAR FOUNDATION AWARDS: 18 COMMUNITY ENTERPRISES, KINILALA SA PAGTULONG SA KABUHAYAN

PINANGUNAHAN ni dating Senador Cynthia Villar ang pagkilala sa mga natatanging community-based organizations sa Villar Foundation Awards on Poverty Alleviation, na ginanap noong Disyembre 12 sa The Tent, Las Piñas City.

Mula sa 120 nominado, 30 ang na-validate na mga entry, at 18 community enterprises ang itinanghal bilang natatanging awardee, na tumanggap ng tropeo at tig-₱250,000 bawat isa. Dalawa ring Special Awardee ang kinilala, na tumanggap ng tig-₱150,000 at sertipiko ng pagkilala.

Ayon sa Villar Foundation, layon ng taunang parangal na itaguyod ang pagpapababa ng kahirapan, pangangalaga sa kapaligiran, at pagbibigay-lakas sa mga komunidad sa pamamagitan ng pagkilala sa mga huwarang kooperatiba at community enterprises. Binibigyang-diin nito ang patuloy na pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga pamilyang Pilipino at pagsusulong ng napapanatiling kaunlaran.

(DANNY BACOLOD)

81

Related posts

Leave a Comment