PNP SA PAMUMUNO NI NARTATEZ: DISIPLINA, AKSYON AT KONGKRETONG RESULTA

MULING pinatunayan ng liderato ni Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang pagkakaroon ng disiplina, koordinasyon at kongkretong resulta ng trabaho ng kapulisan sa isa na namang matagumpay na operasyong isinagawa noong Disyembre 13, 2025, bandang ala-1:00 ng hapon, sa C6 Aura Duterte Street sa Barangay Napindan, Taguig City kung saan nadakip ang limang high value targets.

Kinilala ang mga suspek na sina John Walter Bernaldo Carlos, Danny San Jose Ordoñez, Joniel Coricor Almeda, Alvin Zabala Escovidal, at Elmer Rabanes.

Pinangunahan ang operasyon ng PNP Drug Enforcement Group sa pamamagitan ng Special Operations Unit NCR, katuwang ang District Intelligence Division ng Southern Police District at ang Philippine Drug Enforcement Agency–NCR. Ayon sa PNP, isinagawa ang operasyon matapos ang matagal na intelligence work at masusing paghahanda.

Batay sa imbestigasyon, sangkot umano ang grupo sa isang organisadong network ng ilegal na droga na aktibo sa Metro Manila at mga karatig-lugar.

Nasamsam sa operasyon ang mahigit 25.5 kilo ng hinihinalang shabu, tinatayang 1.77 kilo ng high-grade marijuana kush, at 140 piraso ng marijuana oil cartridges. Narekober din ang ilang smuggled cigarettes at iba pang ebidensya. Tinatayang aabot sa mahigit ₱176 milyon ang kabuuang halaga ng mga nasabat na droga.

Bukod sa droga, nakuha rin ng mga awtoridad ang isang Glock 17 na baril na may bala, buy-bust money, mga cellular phone, at iba’t ibang identification cards.

Ang mga suspek at non-drug evidence ay nasa kustodiya na ng PNP Drug Enforcement Group, habang isinailalim na sa forensic examination ang mga nasabat na droga. Gumamit din ang mga operatiba ng alternative recording devices sa buong operasyon bilang bahagi ng dokumentasyon at transparency.

Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga suspek.

Ipinapakita nito ang maayos na takbo ng organisasyon sa ilalim ni Chief Nartatez, kung saan malinaw ang direksyon at malinaw din ang papel ng bawat yunit. Binibigyang-halaga ang maayos na koordinasyon, pananagutan sa command, at kumpiyansa sa kakayahan ng mga operatiba sa field.

Sa pamumuno ni Nartatez Jr., piniling tahakin ng PNP ang isang direksyong tahimik ngunit matibay. Mas inuuna ang disiplina, maayos na pagpapatakbo ng operasyon, at malinaw na resulta kaysa palabas.

93

Related posts

Leave a Comment