MAGKASAMANG nag-ikot ngayong Biyernes sina Senator Mark Villar, Senate committee chairman on Trade, Commerce and Entrepreneurship at DTI Secretary Alfredo Pascual sa palengke ng Guadalupe sa lungsod ng Makati.
Layon nitong matiyak na natutupad ang tamang timbang at makita ang presyo ng mga pangunahing bilihin katulad ng karne at gulay partikular ang sibuyas na nananatiling mataas ang presyo. (DANNY BACOLOD)
