VISMIN COACH,19 PLAYERS ‘TINULUYAN’ NG GAB

ISANG coach at 19 players na naglaro sa inaugural season ng VisMin Pilipinas Super Cup Visayas leg at nasangkot sa game fixing ang tuluyang sinintensiyahan ng Games and Amusements Board (GAB).

“After a careful and judicious evaluation of the case, the Board has decided to impose penalties on 19 VisMin players to serve as a deterrent,” pahayag ni GAB Chairman Baham Mitra sa opisyal na resolusyon ng GAB bago ang Bagong Taon.

Bukod sa kasong kriminal na kasalukuyan ngayong nakasampa sa Department of Justice, masinsin na iniimbestigahan ng GAB, sa pamamagitan ng Anti-Illegal Gambling Unit at Legal Division, ang game-fixing sa laro sa pagitan ng Siquijor Mystics at ARQ Lapu-Lapu Builders noong Abril sa Alcantara, Cebu.

Nauna nang naghain ng resolution ang GAB Board noong ­Setyembre para bawiin ang lisensiya nina Siquijor Mystics’ head coach Joel Palapal, players na sina Jan Cedric Peñaflor, Michael John Calomot, Frederick Rodriguez, Gene Belleza, Jopet Quiro, Isagani Gooc, Juan Andre Aspiras, Desmore Joshua Alcober at Vincent Tangca.

Sinuspinde naman ng anim na buwan sina ARQ Builders head coach Francis Auquico at mga ­players na sina Rendell Senining, Reed Juntilla, at Jercules Tangkay.

Habang binigyan ng tig-tatlong buwan na suspension ang iba pang ARQ players na sina Dawn Ochea, Franz Arong, at Ferdinand Lusdoc gayundin ang mga coach na sina Jerry Abuyabor at Alex Cainglet.

“We want to remind everyone that game-fixing is never okay. We have a law penalizing game-fixing and point-shaving, and GAB is always ready to eradicate, if not eliminate, this kind of illegal practice in professional sports,” pahayag pa ni Mitra. (DENNIS IÑIGO)

182

Related posts

Leave a Comment