VLOGGER ARESTADO SA BANTANG ‘HEADSHOT’ SA PANGULO

INARESTO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang uploader ng isang imahe ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa social media na may caption na “headshot”.

Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago, ang ibig sabihin ng ‘headshot’ para sa law enforcement agencies ay barilin sa ulo.

Sinabi ni Santiago na ang usapin ay kanilang sineryoso na kalaunan ay ipinaliwanag ng vlogger na iyon ay biro lamang

“Sabi ko sa inyo, pagdating sa mga pananakot o anomang pagtatangka sa Pangulo, Pangalawang Pangulo, Pangulo ng Senado, Tagapagsalita ng Kamara, at Punong Mahistrado, ito ang pangunahing hurisdiksyon ng NBI,” paliwanag ni Santiago.

Kinilala ang uploader na si Michael P. Romero, o kilala bilang si “Mike Romero” sa kanyang Facebook page na may 98,000 followers.

Inaresto ng NBI-Cybercrime Division si Romero sa Pagadian City nitong Miyerkoles dahil sa kasong inciting to sedition kaugnay ng Cybercrime Prevention Act of 2012 matapos nitong aminin na siya ang may-ari ng nasabing account.

Sa kanyang bahagi, ipinagtanggol ni Romero ang kanyang post na hindi nilayon na saktan ang Pangulo.

Aniya ang headshot na iyon, ay headshot na may salitang “Bogo”– iyon lang, wala nang iba pa. Hindi aniya ibig sabihin na barilin ang Pangulo.

Dagdag pa niya, ang salitang “Bogo” ay nangangahulugang “Bobo” sa Bisaya.

(JOCELYN DOMENDEN)

16

Related posts

Leave a Comment