WALA NANG FOREIGN TERRORISTS SA PH – DND

WALA nang namamataang foreign terrorists ang militar sa loob ng bansa. Ito ang pahayag ni Defense Sec. Delfin Lorenzana sa ginanap na pre-SONA briefing. Aniya, ang tanging nakitang presensya ay lokal na mga terorista sa mga lugar na apektado ng insurhensya.

Ani Sec. Lorenzana, kung dati-rati napakadali lamang para sa mga banyagang terorista na makapasok ng bansa dahil sa border na napakalapit lamang sa Indonesia at Malaysia, ngayon aniya ay napigilan na ito dahil sa pinaigting na security measures na ipinatutupad ng tropa ng pamahalaan sa erya ng Basilan at Jolo, sulu.

Sa kasalukuyan, ang pinagtutuunan aniya ng pansin ng pamahalaan ay ang mga lokal na teroristang tulad ng Abu Sayyaf, BIFF at Dawlah Islamiyah. (CHRISTIAN DALE)

106

Related posts

Leave a Comment