WALA PANG NATUTUPAD, BBM NANGANGAKO NA NAMAN – NETIZENS

KANTYAW ang inabot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa mga netizen na nakapanood sa kanyang Tweet na nag-aanunsyo ng topic ng kanyang bagong vlog.

Sa tweet ng Presidente nitong Mayo 20, ganito ang nakasaad: BBM VLOG 242: Ang Init!!

Sa isang #BagongPilipinas, sapat at murang kuryente ang handog natin para sa lahat!

Ngunit sinopla ito ng mga netizen dahil yun naunang pangako ng Pangulo na magiging P20 ang kada kilos ng bigas ay hindi pa nito nabibigyang katuparan.

Wala pa umanong natutupad sa mga naunang ibinida ay nangangako na naman ngayon ang Pangulo.

Tweet ng manunulat na si Jerry B. Grácio: Si Sir naman, may bagong pangako na naman forda vlog, e di pa nga nagiging 20 pesos ang kilo ng bigas.

Sinang-ayunan ito ng iba pang netizens:

KagawadSaffy:
Araw Araw po brown out dito sa Marawi City. nasa amin ang Lake Lanao na isa sa source ng KUREYENTE ng Mindanao. pag ka mahal mahal ang KUREYENTE namin at lagi pang brown out. Wag po kayo pa asa Sir.

AKO LANG BA? ni Matuang Kepweng:
Starve the people. Give a little. Promise a good life. Repeat. This is the BBM narrative to establish support from the masses.

Mixed Nuts:
Gosh! Daming problema sa bansa. Ang sagot ng presidente- lets create a vlog to smoke screen the issue . Galing! We get the leader we deserve. We vote for jokers we get a circus of a goverment.

shortÿ:
wow nag reklamo sa init huna mo talaga naiinitan HAHAHAHA murang kuryente? HANGAW BAGA

carrie bradshaw:
Ang ironic ano? Tapos ang taas ng electric bill natin dahil nagtaas din ang Meralco tapos panay pa ang brown out.

LeahBF:
Aysus, mema lang naman. Presidente na, pero sinungaling pa rin. Tigilan nyo na yan. Style nyo bulok.

Viva Vanessa:
The original #TeamPayaman

Oiishii:
Luh, Ilocos nga isa sa may pinaka mahal na kuryente per kilowatt

Lhen Segundo:
Paano pa nya kinakaya ang mga kasinungalingan nya?

Unicorn_and_Rainbows:
Kamusta na po ba ang Mindoro? Maliit lang binabayaran sa kuryente kasi ilang araw lang sa isang buwan meron

-KLIPH-:
Di pa nga buong Pilipinas may kuryente… LOL! Dami pa din nakakaranas ng rotational brownout.

this slope is:
Para daw po iyan sa pangalawang taon ng term niya. Another year, another pangako.

Jim Stone:
Dami na namang mabubudol,,, mga 31M

LetterFromDumaguete:
Maybe. If the solar works at a fair price.

Pinoy𝛑Pioneer:
Hindi na nasanay, pulitiko nga po kasi si jr.

Me_@nonymous:
Mura?
Napapamura na ako sa taas ng kuryente shittt

joycequiambao:
Free naman mag-promise kasi!

MadM:
Puro pledge na lang, sobrang kintab na ng pilipinas! Potek!

James2022:
Lokohin mo na lng mga nanniwla sa inyo wag kmi na mattino pa ang isip….unahin mo gwing 20kilo ang bigas tagal tagal na nyan ngaun my bago ka na nman paandar

MFG_03:
Yan ang Bagong Pilipinas pwedeng mangako ng mangako basta wag umasang matutupad

(Editor’s Note: May opinyon ka rin ba sa isyung ito? Share mo na sa pamamagitan ng email: saksi.ngayon@gmail.com o sa aming website: www.saksingayon.com)

248

Related posts

Leave a Comment