SA layuning mapabilis ang pagbibigay ng bakuna kontra COVID-19 ay inaprubahan ng lokal na pamahalaan ng Navotas City ang walk-in vaccination sa lungsod.
Base sa sitwasyon ng lungsod, inanunsyo ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na ang mga residente na may edad 18 hanggang 59 na may comorbidities ay maaari sa walk-in vaccination sa Kaunlaran High School.
“We did a trial yesterday and we were able to inoculate 244 of the 300 target vaccinees. We were glad of this turnout and decided to implement the system in three other vaccination sites,” pahayag ni Mayor Tiangco kamakalawa.
Sinabi pa ni Tiangco na nakatanggap ng mga mensahe ang kanilang tanggapan mula sa mga residente na gustong-gusto nang mabakunahan subalit wala pang natatanggap na schedule.
“By offering a walk-in system, those eligible and interested could avail of the vaccine at the soonest and as of now, we have four vaccination sites. Three can accommodate 300 scheduled vaccinees and 150 walk-ins. One is solely for 300 walk-ins,” dagdag pa ng alkalde.
Hinikayat naman ni Tiangco na ang may residente na gustong magpabakuna na magparehistro sa https://covax.navotas.gov.ph/. (FRANCIS SORIANO)
