WANTED NA PULIS LAGLAG SA CIDG

LAGUNA – SWAK sa kulungan ang isang wanted na dating pulis na limang taon nang nagtatago sa mga awtoridad dahil sa kasong ilegal na droga at pagpatay sa kabaro, makaraang madakip ng Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit (CIDG RFU) sa Katapatan Village, Banay-Banay, Cabuyao City sa lalawigang ito.

Kinilala ni P/Col. Marlon Santos, Regional chief ng CIDG 4-A, ang suspek na si Oliver Sibayan, dating miyembro ng Philippine National Police at nakatalaga sa Quirino PPO PRO2.

Base sa ulat, dinakip si Sibayan sa bisa ng warrant of arrest dahil sa pagkakasangkot sa kasong ilegal na droga at pagpaslang sa kanyang kabaro na si PO3 Joven Valdez Gabatin noong Agosto 17, 2017. (CYRILL QUILO)

228

Related posts

Leave a Comment