WANTED NA RAPE SUSPECT NALAMBAT SA MALABON

NADAKIP ng pulisya ang isang 45-anyos na lalaki na matagal nang wanted sa kasong panggagahasa sa Navotas City, nang matunton ito sa kanyang pinagtataguang lugar sa Lungsod ng Malabon.

Napag-alaman, isang impormate ang nag-report kay Malabon City Police chief P/Col. Jay Baybayan na namataan sa lungsod ang puganteng si alyas “Nilo” kaya agad niyang iniutos sa mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ang pagtugis sa suspek.

Pinuntahan ng mga tauhan ng WSS ang tinutuluyang bahay ng suspek sa Sacrista St., Brgy. San Agustin at natiyempuhan dakong alas-11 ng umaga sa Luna II St. sa nasabi ring barangay.

Dinakip ng mga tauhan ng WSS si alyas “Nilo” sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Navotas City Family Court, Branch 9 para sa kasong dalawang bilang ng panggagahasa na walang piyansang inirekomenda.

Pansamantalang nakapiit ang suspek sa Custodial Facility ng Malabon City Police Station habang hinihintay ang utos ng hukuman para sa paglilipat sa kanya sa Navotas City Jail.

(MARDE INFANTE)

3

Related posts

Leave a Comment