ARESTADO sa mga tauhan ng Manila Police District ang isang 47- anyos na driver makaraang magtago dahil sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property sa Baguio City, nang matunton ito sa Zobel Roxas Street, Sta. Ana, Manila.
Kinilala ang suspek na si Melquiadez Briones, may asawa, ng Barangay Cupang, Peñafrancia, Antipolo City.
Base sa ulat ni Police Major Edward Samonte, hepe ng District Investigation Section 2, Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT), bandang alas-5:10 ng madaling araw nang maispatan si Briones sa nasabing lugar.
Inaresto ang suspek sa pinaiiral na programa ni MPD Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon, ang “Oplan Galugad” at Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO), sa pangunguna ni Police Major Dave Garcia, Deputy ng DID-SMaRT, kasama sina Police Major Val Valencia, at Police Captain Edgar Julian.
(RENE CRISOSTOMO)
191
