WANTED SA MAYNILA NABITAG SA BATANGAS

NADAKIP ng mga tauhan ng Manila Police District sa ipinatupad na Simultaneous Anti- Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ang isang 35-anyos na suspek sa kasong paglabag sa Violence against Women and their Children Act, sa bisa ng warrant of arrest sa Sitio Culet, Poblacion 8, Cuenca, Batangas City noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang arestado na si Jomel Sarmiento y Duarte, binata, jobless, nanunuluyan sa Sitio Culet, Cuenca, Batangas, may inirekomendang P72,000 pyansa para sa pansamantala niyang paglaya.

Batay sa ulat ng District Investigation Division-Anti Criminality, bandang alas-6:30 ng gabi noong Hulyo 22 nang isilbi ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Jose Lorenzo Dela Cruz ng Regional Trial Court Branch 4 ng Manila, sa tinuluyang bahay ng suspek.

Pinangunahan ni P/Lt. Amie Centro-Tiu ang operasyon kasama sina P/EMS Conrado Juaño, P/SMS Francis Manlutac, P/MSgt. Rizaldy Liangco at iba pang mga operatiba na dumayo sa Batangas City para madakip ang nasabing suspek.

Sa pakikipagtulungan ni P/Lt. Nestor Mercado, chief of police ng Cuenca, Batangas at ilan nitong tauhan ay matagumpay na naaresto si Sarmiento. (RENE CRISOSTOMO)

 

361

Related posts

Leave a Comment