WANTED SA MURDER NAKORNER

ARESTADO ang isang 45-anyos na number 1 most wanted personality dahil sa kasong pagpatay, sa San Andres Bukid, Manila, iniulat ng pulisya nitong Miyerkoles.

Kinilala ni P/Lt. Col. Alex Daniel, station commander ng Manila Police District-Station 5, ang suspek na si Jonlito Quidlat y Petalliana, karpintero, ng #2515 Raduim St., San Andres Bukid.

Batay sa report ng pulisya, bandang alas-8:00 ng umaga noong Miyerkoles, Setyembre 23, nang arestuhin si Quidlat sa panulukan ng Sagrada de Familia at Onyx Streets sa San Andres.

Ayon kay P/Lt. Veronica Apresurdo, OIC ng Intelligence Section, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng suspek.

Bunsod nito, bitbit ang arrest warrant na inisyu ni Hon. Romulo Lopez, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 34, ay inaresto ng mga awtoridad ang suspek na si Quidlat.

Hindi naman idinetalye pulisya kung sino ang biktima ng suspek. (RENE CRISOSTOMO)

99

Related posts

Leave a Comment