NALAMBAT ng mga tauhan ng Valenzuela City Police ang isang lalaking wanted sa kasong attempted rape at isang pinaghananap dahil sa kasong pagnanakaw.
Nadakip dakong alas-5:00 ng hapon noong Biyernes sa kanyang bahay si Reynaldo Menes, 44, ng Barangay Maysan, Valenzuela City, ng mga pulis na armado ng warrant of arrest para sa kasong attempted rape in relation to Republic Act 7610, na inisyu noong Agosto 18, 2022 ni Judge Evangeline Mendoza-Francisco ng Regional Trial Court, Branch 270 ng Valenzuela City.
Samantala, arestado rin ng pulis Valenzuela si Matthew Ramirez, 22, alyas “Jane Santos”, ng Barangay Gen. T. De Leon, Valenzuela City, dakong alas-2:00 ng hapon noong Biyernes sa kasong robbery.
Inaresto ang suspek sa pinagtataguan nito sa Brgy. San Jose, Antipolo City sa bisa ng warrant na may petsang Setyembre 3, 2020 na may inirekomendang pyansang P100,000 para sa pansamantala niyang paglaya. (ALAIN AJERO)
200
