WANTED SA ROBBERY NATIMBOG SA PORT AREA

NADAKIP ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Baseco Police Station 13 ng Manila Police District, ang isang 30-anyos na lalaki na suspek sa kasong robbery sa Sta. Rosa City, Laguna, noong Miyerkoles ng hapon sa Baseco Compound, Port Area, Manila.

Kinilala ni MPD Director Police Brigadier General Arnold Evangelista Abad ang suspek na si Lumna Nadsev, nanunuluyan sa Baseco Compound.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete, commander ng MPD Station 13, bandang ala-1:00 ng hapon nang arestuhin ang suspek sa nabanggit na lugar.

Nabatid mula kay Police Lieutenant Ruben Cañares, Jr., hepe ng Warrant and Subpoena Section, inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Gil Jude Franco Sta. Maria Jr., ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 102 ng Sta. Rosa City, Laguna.

Gayunman, ang suspek ay maaaring maglagak ng P120,000 pyansa para sa pansamantala niyang paglaya.

(RENE CRISOSTOMO)

39

Related posts

Leave a Comment