WARRANT OF ARREST VS 17 GAMEFIXERS

NAKATAKDANG isilbi ang warrant of arrest sa 17 kataong sangkot sa game fixing sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Sinabi ni MPBL Commissioner Kenneth Duremdes, nangyari ang insidente noong 2019, nang masangkot ang koponan ng SOCCSKSARGEN Marlins sa game-fixing.

“Based on the report to us the other week by our legal department, out na po ang mga warrant of arrest doon sa mga involved sa nai-file na case, and again, ipinapakita lang ng liga na seryoso tayo laban sa mga ilegal na activities dito sa ating palaro,” ani Duremdes.

“Kailangan talaga natin isagawa ito ngayon, to save the industry, the basketball industry. Kailangan na may masampolan para mag-isip-isip din itong mga ito, from the top down to the players, na seryoso tayo na labanan ang ganitong gawain sa industriya,” dagdag niya.

Agad inako ng MPBL ang pamamahala sa koponan at pinalitan nito ng pangalan na Sarangani Province matapos mabigo sa lahat ng kanilang games sa nakaraang Lakan Season, simula Hulyo hanggang Oktubre.

Nabatid na nakakita ang Department of Justice ng probable cause upang sampa­han ang 17 indibidwal sa game-fixing scandal. (ANN ENCARNACION)

121

Related posts

Leave a Comment