WARRIORS AT LAKERS KASADO NA!

MAGHAHARAP sa opening game ng NBA (2022-23) season ang Golden State Warriors at Los Angeles Lakers sa Chase Center sa San Francisco.

Pero bago ang laro sa tropa ni LeBron James at ng Lakers, tatanggapin muna ni Stephen Curry at ng Warriors ang kanilang 2022 championship rings sa gagawing traditional ring ceremony.

Tinalo ng Warriors ang Boston Celtics (4-2) sa 2022 NBA Finals at nakatakdang tanggapin nina Curry, Draymond Green, Klay Thompson at Andre Iguodala ang kanilang fourth ring.

Habang ikatlong championship ring naman ito ni veteran center Kevon Looney. Sina Jordan poole at Andrew Wiggins ay isusuot ang kanilang unang NBA jewelry.

CELTICS UUNAHAN SA 18th RING

BAGO magsimula ang nakaraang season, isa ang Los Angeles ­Lakers sa paborito at marami ang umasang masusungkit nito ang 18th NBA championship.

Ngunit kabaligtaran ang nangyari, nang napakapanget na ­kampanya ang nasaksihan ng fans, pati na ang kabiguang makalaro man lang sa play-in tournament.

Gayunpaman, nakahinga nang maluwag ang Lakers fans nang mabigo ang karibal na Boston Celtics masungkit ang 18th title nito nang matalo sa Golden State Warriors.

Ibig sabihin, tabla pa rin ­ngayon ang Lakers at Celtics sa tig-17 world championships.

At determinado si Lakers owner Jeanie Buss akayin ang koponan sa kampanya para makamit ang 18th crown.

Sa pamamagitan ng Yahoo Sports, sinabi ni Buss:

“When he started, he wanted to take on the Boston Celtics and all the winning they had done. Now, with ring No. 17, we’re tied with the Celtics in terms of winning [championships]. That’s what he set out to do. And certainly the work is not done yet. We have to continue that quest, and we’ll do so.”

Nang bilhin ng namayapang ama ni Jeanie, si Dr. Jerry Buss, ang Lakers noong 1979 isa sa pangarap nito ay malampasan ang Celtics sa total championships.

Nang panahong iyon, ang Boston ay mayroon nang 13 titles, habang anim naman sa Los ­Angeles, na unti-unting nakahabol hanggang makatabla sa 17 rings.

Subalit para makamit ng Lakers ang ika-18 kampeonato, napakaraming dapat harapin at isaayos sa koponan si team ­owner Buss. (VT ROMANO)

227

Related posts

Leave a Comment