WHITE SAND PROJECT SA MANILA BAY, PINABUBUSISI SA SENADO

ISINUSULONG sa Senado ang pagsasagawa ng investigation in aid of legislation sa tinawag na pag-aaksaya at hindi nararapat na Manila Bay Nourishment Project o ang paglalagay ng dolomite sa bahagi ng Manila Bay.

Sa kanyang Senate Resolution No. 565, tinukoy ni Senador Francis Pangilinan ang posibilidad ng environmental at public health hazards ng kontrobersiyal na Manila Bay project.

Sa tala, ang Manila Bay White Sand Beach ay ginugulan umano ng P389 milyon.

Nakasaad sa resolusyon ang pagsiyasat sa posibilidad na nilabag sa proyekto ang Local Government Code; Philippine Fisheries Code; Wildlife Conservation Act; Environmental Impact

Assessment System; Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees; at Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

“Hindi lang sa Manila Bay ang problema kundi na rin sa pagmimina ng mga dolomite sa Alcoy, Cebu na posibleng ikinasira ng mga coral reefs at pagkawala ng tirahan ng ilang endangered species.

Sa madaling sabi, mas maraming problema pa itong dinala kesa solusyon sana,” dagdag pa ni Pangilinan. (DANG SAMSON GARCIA)

120

Related posts

Leave a Comment