WINNERS AND LOSERS SA MUNDO NG POLITIKA SA SHOWBIZ

WINNERS23

SA mga showbiz folks na pumalaot sa mundo ng politika at tumakbo nitong nakaraang 2019 midterm elections, sinu-sino ang mga pinalad at sinu-sino ang umuwing luhaan?

Ang mga inaakala nating “indestructible” sa kanilang mga lugar tulad ng mga Estrada/Ejercito sa San Juan at Maynila, ay nagiba ng mga baguhan at di-gaanong-baguhan.

Sa Senado, mukhang sigurado nang makakaupong muli sina Lito Lapid at Ramon “Bong” Revilla, Jr. Mukhang hindi naman makakapasok sa “Magic 12” ang magkapatid sa ama na sina Jinggoy at JV Ejercito.

Sa Maynila, dinaig ng higit na mas nakababatang si Isko Moreno (Francisco Domagoso sa tunay na buhay at dating sexy actor) ang mga “higante” ng politika na sina incumbent Manila Mayor Joseph Estrada at former mayor Alfredo Lim. Nagpasalamat si Isko sa Catholic Church at Iglesia Ni Cristo na parehong nag-endorso sa kanya.

Si “Ser Chief” Richard Yap naman ay hindi pinalad na maging congressman ng First District ng Cebu City. Ikinampanya siya ni Vice Ganda. Nag-concede na kaagad siya.

Wagi rin si Jestoni Alarcon bilang reelectionist board member ng First District ng Rizal Province.

Kahit hindi siya artista, celebrity ring maituturing si Vico Sotto, anak nina Vic Sotto at Coney Reyes. Siya ang bagong mayor ng Pasig City. Binuwag niya rin ang Eusebio dynasty na matagal na naghari roon.

Sa San Juan City, talo si Edu Manzano na tumakbong congressman.

Talo rin sina ER Ejercito bilang gobernador ng Laguna, Gary Estrada bilang vice mayor sa Cainta, Rizal.

Si Roderick Paulate na tumakbo bilang vice mayor ng Quezon City ay tinalo ni Gian Sotto, anak nina Sen. Tito Sotto at Helen Gamboa. Si Gian ay nag-artista rin noon at gumawa ng ilang pelikula.

Ang Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto ay wagi ulit bilang kongresista sa Lipa City.

Wagi rin bilang kongresista sina Alfred Vargas ng Quezon City, at Yul Servo ng Maynila.

Mga sure winners naman si Jolo Revilla bilang vice governor ng Cavite at si Dan Fernandez bilang congressman ng First District ng Laguna.

Talo naman si Monsour del Rosario bilang vice mayor ng Makati.

Si Richard Gomez ay na-reelect bilang Ormoc City mayor at ang asawa niyang si Lucy Torres-Gomez ay reelected din bilang kongresista ng Leyte.

Sa Camarines Sur, mukhang panalo na rin si Imelda Papin bilang vice governor.

Habang sinusulat ito, lamang ng halos 300,000 votes si Daniel Fernando sa kanyang kalaban bilang governor ng Bulacan.

 

310

Related posts

Leave a Comment