WORKERS SA TOURISM SECTOR LIBRE ANG COVID TEST

TINIYAK ng Malakanyang na libre na ang covid test para sa lahat ng nagtatrabaho sa tourism sector.

Napaulat kasi na karamihan sa mga empleyado ng mga nagbabalik operasyon na mga negosyo sa Boracay ay hirap makapasok sa isla dahil sa wala na ngang pamasahe ay napakamahal pa ng Rt-

PCR test na requirement para sa kanilang pagbabalik-trabaho.

Sinabi ni Sec. Roque na batay sa inaprubahan ng IATF na Expanded PCR Protocols, ang PhilHealth na ang magbabayad para sa lahat ng mga manggagawang nasa sektor ng turismo.

Sa kabilang dako, iminungkahi naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III, na dapat ding magkaroon ng proyekto ang DOLE na gaya ng TUPAD program, kung saan pinagkalooban ng ayuda ang mga labis na naapektuhan sa pagsasara ng Boracay dahil sa rehabilitasyon nito. (CHRISTIAN DALE)

106

Related posts

Leave a Comment