TINIYAK ni Senator Christopher Bong Go na suportado niya ang mga panukalang magpapalakas sa productivity ng cacao industry at ang pagtukoy sa Davao City bilang cacao capital of the Philippines.
Sa kanyang manifestation sa Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform, hinimok ni Go ang mga industry leader na samantalahin ang tumataas na demand ng mundo sa cacao na aabot sa 5-million metric tons ngayong taon.
Ayon sa report, umaabot sa 15,000 metric tons ng cacao ang annual average ng production ng bansa bagamat umaabot naman sa halos 50,000 metric tons ang kailangan sa bansa sa bawat taon.
Binigyang-diin din ni Go na potential na makagawa ng mas maraming trabaho ang industriya ng cacao lalo na sa rural areas.
Pinuri rin ni Go ang Senate bill no. 1741 ni Senator Cynthia Villar na siyang nagsusulong na maging cacao capital ng bansa ang Davao City kung saan umabot sa 2,289 metric tons ang na-produce nito noong 2019 habang saklaw ng Davao region ang 78.96% ng total production.
Giit ni Go, bilang isang Davaoeño, proud siya sa isinusulong ni Senator Villar bilang pagkilala na rin sa masisipag na cacao farmers.
Una nang kinilala ni Agriculture Secretary William Dar ang Davao City bilang cacao capital ng bansa matapos ang kanyang pagdalaw.
Samantala, suportado ni Go ang Senate bill no. 899 ni Senator Lito Lapid na pagbuo ng Cacao research and Development Center bilang lead agency na siyang tututok sa cacao industry at para mas maturuan pa ang local farmers sa pagsasaka ng cacao at mai-link sa international organizations at iba pang research and development centers sa ibang mga bansa. Estong Reyes
149