PINAPAYAGAN na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang pagdaraos ng workshops, trainings, seminars, congresses, conferences, board meetings, colloquia, conclaves, symposia, at consumer trade shows.
Ang mga nasabing event ay kailangan idaos sa venues na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at papayagan lamang ng hanggang 30% capacity.
Batay sa pasya ng IATF, maaaring isagawa ang mga nabanggit na event sa hotel, restaurant, ballroom and function halls o hotel premises at mall atria.
Kaugnay nito ay inaatasan ang Department of Tourism at Department of Trade and Industry na maglabas ng kaukulang guidelines tungkol dito.
Samantala, in-adopt din sa isinagawang 87th IATF Meeting ang rekomendasyon ng Office of the Cabinet Secretariat na magpatupad ng Safety Seal Certification Program bilang karagdagan sa StaySafe.ph.
Ang lahat ng establisimyento gaya ng government offices, private companies, hotels at business establishments at public transportation units ay required na i-adopt ang Safety Seal. (CHRISTIAN DALE)
ONLINE SIMBANG
GABI SA MINORS
HINIKAYAT ni MMDA GM Jojo Garcia ang mga menor de edad na magsimbang gabi na lamang via online.
Kasunod ito ng nagkakaisang desisyon ng Metro Manila mayors na huwag pahintulutan ang mga menor de edad sa malls at iba pang establisimyento dahil pa rin sa banta ng COVID-19.
Bukod pa sa hindi rin pinapayagan ng MMC ang mga bata sa nalalapit na Simbang gabi.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Garcia na ang desisyon ay batay na rin sa opinyon ng health experts dahil ang mga bata ay maituturing na spreaders ng virus.
Samantala, simula nitong Dec. 1 ay mas pinaiksi na ang curfew hours sa Metro Manila mula alas-12 ng madaling araw hanggang alas-3 na lamang ng madaling araw. (CHRISTIAN DALE)
HEALTH PROTOCOLS, HIGPITAN
INATASAN ng Malakanyang ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan lalo na ang mga miyembro ng PNP at AFP na mahigpit na ipatupad ang minimum health standards kasunod ng nalalapit na
Kapaskuhan upang makaiwas sa pagkakaroon ng pagtaas o pagsirit sa kaso ng COVID-19.
Magugunitang sa pinakahuling quarantine classification, sakop pa rin ng GCQ ang Metro Manila, Batangas, Iloilo City, Tacloban City, Iligan City, Lanao del Sur, Davao City, at Davao del Norte hanggang Dec. 31 habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay nasa ilalim ng MGCQ hanggang matapos ang 2020.
Ayon sa Malakanyang, ang lahat ng lugar lalo na ang mga itinuturing na high risk tulad ng wet markets, supermarkets, government offices, workplaces, malls at tiangge ay dapat mahigpit na naipatutupad ang minimum public health standards. (CHRISTIAN DALE)
DUTERTE PABOR
SA ‘NO CEASEFIRE’
SINABI ng Malakanyang na ikukonsidera ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng militar na huwag magdeklara ang gobyerno ng tigil-putukan sa mga komunistang rebelde ngayong kapaskuhan.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, binibigyan ng bigat ng Chief Executive ang rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Subalit, binigyang-linaw ng kalihim na tanging si Pangulong Duterte ang makapagdedesisyon tungkol dito.
Sa ulat, sinabi ni AFP spokesperson Major General Edgard Arevalo, sa mga nakalipas na taon, kahit nagdedeklara ng holiday truce ang pamahalaan, patuloy pa rin ang New People’s Army (NPA), armed wing ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa pagsasagawa ng mga karahasan.
Aniya, hindi tumutupad ang mga komunistang rebelde sa usapan dahil patuloy sila sa pagpatay ng mga sundalong nagsasagawa ng humanitarian missions, pang-eextort, panununog ng mga ari-arian, at iba pa.
Magugunitang noong nakaraang taon, parehong nagdeklara ng ceasefire ang gobyerno at communist group sa kasagsagan ng holiday season mula December 23, 2019 hanggang January 7, 2020. (CHRISTIAN DALE)
154 